Huwebes, Pebrero 26, 2015

proyektong panturismo






 BAGUIO CITY

Ang Baguio City ay kilala blungsod sa hilagang Luzon sa Pilipinas at ang punong-lungsod ng Cordillera Admenistrative Region. Napapalibutan ito ng probinsiya ng Benguet. ito ay itinatag noong 1990 ng mga Amerikano at ginawang bakasyonan ng Ibaloi na dati ay Kafagaway.ginawa itong Summer Capital of the Philippines noong Hunyo 1, 1903.  Ang pangalang Baguio ay hango sa sa salitang Ibaloi  na bagiw na ang ibig sabihin ay 'lumot'. 
Ang Lungsod ng Baguio ay matatagpuan sa bulubundukin ng Cordillera Cetral sa hilagang Luzon. Ito'y napapaligiran ng probinsiya ng Benguet. Ang kabuuang sukat ng lungsod ay 57.5 kilometro kwadrado. Dahil sa kanyang taas, ang temperatura ng lungsod ay mas mababa ng 8 sentigrado kumpara sa temperatura sa mga mabababang lugar. Ang lugar na kung saan nakatayo ang lungsod ay unang tinirhan ng mga katutubong Ibaloi at Kankana-ey. Una itong naging pastulan ng mga baka at mga iba pang alagang hayop. Noong panahon ng pamamhala ng mga Kastila hindi gaano binigyang pansin ang lugar. Isa sa mga pinakaprudoktibong lugar ng "Philippine Economic Zone Authority" ay matatagpuan sa lungsod.

Dahil sa klima, mga magagandang tanawin, at sa mga makasaysayang lugar sa lungsod, maraming mga turista ang gustong magbakasyon dito. Sa panahon ng tag-araw, halos nadodoble a populasyon ng lungsod dahil sa dami ng mga dumadayo dito. Dahil dito, mahigit sa walumpong hotel ang naitayo sa lungsod. Marami ding mga bahay paupahan ang nagsislbing pansamantalang tirahan ng mga turista.

Mga Sikat na Tanawin


Kennon Road

Sa pamumuno ng mga Amerikano at sa tulong ng mga manggagawang Pilipino at mga Hapon, inukit ang daanang ito sa pagitan ng mga bundok at sinusundan ang ilog ng Bued mula sa bayan ng Rosario sa lalawigan ng La Union hangang sa Kafagway.  Naging madali ang paglalakbay patungo sa lugar na ito, at pagkatapos ng ilang taon ay lumaki ang populasyon.


Lion's Head

Panahon ni Ferdinald Marcos noong 1972 na magtayo ng lion's head para umunlad at dirkesyon papuntang baguio ang kauna-unahang lion's head ay gawa lamang sa bato noong maging presidente si Manuel Quezon noong 1935. Malaking ulo ng leon na inukit sa isang malaking bato, na ipinagawa ng mga kasapi ng Lion's Club sa Lungsod Baguio. Ipinagawa nila ito upang ipaalam na ang kanilang samahan ay may lokal na sangay sa naturang lungsod. Makikita ang Lion's Head sa kahabaan ng Kennon Road, sa tabi nito ay may mga tindahan na nagbebenta ng iba't ibang klase ng pasalabong, at habang namimili naman maaring ring magpakuha ng larawan at magpahinga sa lugar na ito. 


Strawberry Farm

/

Burnham Park

Isa sa mga tanyag at paboritong pasyalan na matatagpuan sa Lungsod ng Baguio Sa pasyalang ito maaaring umupa ng bangka, kumain sa mga mesang bato, umupa ng bisikleta, mag-jogging, maglaro ng futbol, at manood ng libreng konsiyerto. Isinunod ang pangalan nito sa isang American architect and urban planner na si Daniel Hudson Burnham.


                                                         Botanical Garden

Ang Baguio Botanical Garden o Igorot Village ay matatagpuan sa silangang bahagi ng Lungsod ng Baguio, na nasa pagitan ng Teachers camp at ng Pacdal Circle. Ang pangunahing lagusan nito ay matatagpuan sa Leonard Wood Road na nasa tapat ng Gilbert's Hotel at ng Baguio Vacation Hotel. makikita ang mga replika ng mga tirahan ng mga katutubong Igorot, na at naglalarawan sa kanilang kultura at pamumuhay. Maraming magagarang halaman at bulaklak na nakatanim dito na iyong kagigiliwan. Dito sa pasyalang ito may makikitang mag Igorot na nakasuot ng kanilang katutubong damit, na maaring magpakuha ng larawan kasama nila.


The Mansion

Itinayo ito noong 1908, para sa mga gobernador heneral ng Amerika. Nawasak ito noong 1945 nang magkaroon ng sagupaan ang mga kawal ng mga Amerikano at mga kaalyadong bansa nito laban sa mga Hapon na kasalukuyang sumakop sa Pilipinas Noong 1947, dalawang taon makalipas ang digmaan, ipinaayos ito upang magamit ng pinakamataas ng opisyal ng Pamahalaan ng Filipinas. Matatagpuan sa kanlurang bahagi ng Lingsod ng Baguio. ay ang opisyal na tahanan ng Pangulo ng Pilipinas kung siya ay pumupunta sa Lungsod Baguio o sa mga karatig na lugar dito. Ang magarang mansiyon na ito ay ginagad sa Buckingham Palace sa Britanya.




MGA SIKAT NA KAINAN (TOP 5)




HILL STATION


Isa sa Asia's best restaurants by The Miele Guide sa taong 2011 and 2012.


FOREST HOUSE

Pangalawa sa sikat na kainan sa Baguio City. May magandang tanawin at beranda at hindi lang siya Restaurant dahil bread and breakfast din ito.


OH MY GULAY

      Kilala bilang "Salad Bowl of the Philippines." Pinaka sikat na recipe ng                                  Oh My Gulay restaurant ay ang Kalabasa Tempura ang sikat na                  “Anak ng Puttanesca”


 VIZCOS RESTAURANT AND CAKE SHOP

Kilala ang rstaurant na Vizcos at cake shop dahil sa ingredients na strawberry.


CAFE BY THE RUINS

Kilala ito dahil sinasabing masarap mag almusal dito. Matatagpuan dito ang pinsks masarap na ensaymada ss bansa.




MGA FESTIVALS 






PANAGBENGA FESTIVAL

Panagbenga "Season of blooming." Ginaganap tuwing buwan ng Pebrero na kung saan maraming dumadayo kapag ipinagdiriwang ito.





PMA HOME COMING

Ang kilalang Alumni ng Philippine Military Academy sa taunang pagganap ng muling pagkikita ay may parada at maraming seremonya na kadalasang ipinagdiriwang ang reunion sa ikalawang linggo ng Pebrero. 




HOLY WEEK IN BAGUIO

Ang Mahal na Araw ng Romano Katoliko na pasimula ng pasimula ng Philippines Summer Vacation (SUMVAC- April-May) festivities na kung saan maraming bisita ang mga dumadayo upang takasan ang mainit na klima sa baba. Ang mga civic at business groups ang nangunguna sa mga aktibidades para sa kasiyahan ng mga bisita. 



BAGUIO FOUNDATION DAY

Sa unang linggo ng buwan ay ipinadiriwang ang pakakatatag ng Baguio sa Summer Capital ng Pilipinas magmula ng ito'y maicharter noong September 01,1909 na may exibits, parades, cultural shows at sister-city programs.





BAGUIO ARTS FESTIVAL


Ang taunang festival na ito na itinatag ng Baguio Arts Guild nagsimula pa noong 1989, na may visions na unang gawin ang Baguio bilang lugar ng Arts and Artist na ipapakita ang pagiging magaling sa visual arts photography, films, video, arts sculpture, at arts installations Performing arts modern dances drama, music, poetry reading  ethnic arts




FIL - AM GOLF TOURNAMENT

Ito ay ginaganap sa kalagitnaan ng buwan ng November o sa unang araw ng December na nilalahukan ng daan o libong mga golfers mula sa Amerika at Pilipinas na kung saan sabay na ginaganap sa Camp John Hay at Baguio Country Club.






SILAHIS NG PASKO


Ang sunod-sunod na Christmas Activities sa city of Pines na nakafokus sa mga kabataan ng Baguio na may Christmas Carol Competitions na tinatawag na Himig ng Pasko, Share-a-Toy, Sports Tournaments at ang mga katulad nito. 






URL: 


1 komento:

  1. Why you should make money from betting on soccer - Work
    What is the best way to หารายได้เสริม make money from betting on soccer? There are various different kinds of sports. Sportsbook, Live, Betting,

    TumugonBurahin